7 years old na bata patay matapos ihampas ng sarili niyang tatay sa sementadong kalsada

 Nakakalungkot ang sinapit ng 7 years old na bata matapos itong ihampas at ihambalos   ng sarili niyang ama sa sementadong kalsada sa Villa San Isidro Rodriquez Rizal nitong huwebes.Naisugod pa sa ospital ang bata pero hindi na naisalba ang buhay nito dahil sa matinding pinsala sa ulo .

Ayon sa ina ng bata, kahina hinala ang ikinikilos ng kanyang asawa bago naganap ang insidente kaya ikinulong niya ito sa loob ng bahay ngunit nagawa ng suspek na makatakas matapos niya ngang masira ang kandado ng gate. 

Nakunan nga ng CCTV camera ang naganap na insidente kung makikita kung paano ihinambalos ng ama ang sarili niyang anak sa kalsada. May mga kapit bahay na tumulong ngunit bigo sila na agawin ang bata sa suspek. 

Namatay din ang suspek matapos pag uuntugin nito ang sariling ulo sa pader habang nasa loob ng kulungan ayon sa PNP Rodriguez.
ìkomento ang inyong saloobin tungkol sa balitang ito sa ibaba

Comments